Matinding trabaho ang agad na haharapin ng bagong Philippine Sports Commission (PSC) five-man Board, sa pangunguna ni Chairman William “Butch” Ramirez sa kanilang opisyal na pag-upo sa sports commission sa Lunes.

“We will have a quick data gathering on the first week, and then try to visit some of the existing facilities and then have a meeting with other government agencies such as the Commission on Higher Education (CHED) and the Department of Interior and Local Government,” sambit ni Ramirez.

Nagbabalik sa puwesto si Ramirez na unang naglingkod sa PSC noong 2005 hanggang 2009 sa administrasyon ni Pangulong Arroyo.

“We will have a lot of meetings in our first 100 days kasi we want to pursue some laws and Executive Orders that has not been implemented,” aniya, patungkol sa Pagcor shares na hindi nakukuha ng buo ng PSC sa nakalipas na mga taon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We have the Palarong Pambansa IRR now which has yet to be fully implemented, so with that of the Armed Forces pati na rin iyong sa Arnis Law being our national sports na hindi natin nabibigyang pansin,” sabi ni Ramirez.

Agad ding kukunin ni Ramirez ang lahat ng mga report mula sa regular at associate na miyembro ng POC na national sports association (NSA’s) upang marebisa at mapag-aralan ang kanilang paghahanda at mga resulta ng kanilang mga nakalipas na mga torneo.

“I am clear with my work now. I work for our President Rodrigo Duterte and the Filipino people,” pahayag ni Ramirez.

Kasama ni Ramirez ang bagong commissioner na sina Ramon “El Presidente” Fernandez, Dr. Celia Kiram, dating sports editor na si Charles Maxey at PSC Assistance Officer chief Arnold Agustin. (Angie Oredo)