CITY OF ILAGAN, Isabela - Umabot na sa 142 gumagamit ng droga, kabilang ang ilang tulak, ang kusang sumuko sa Ilagan City Police.

Sa panayam kahapon kay Supt. Manuel Bringas, hepe ng Ilagan City Police, sinabi niya na simula nang magsagawa sila ng pagkatok sa bahay-bahay kaugnay ng kampanya laban sa ilegal na droga, kasama ang mga barangay chairman, ay marami nang sangkot sa droga ang sumuko.

Kahapon, nasa 142, kabilang ang tatlong babae, na ang sumuko simula simula nitong Hunyo 30.

Ang pinakabatang sumuko ay nasa edad 15. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito