Bagamat marami ang naniniwalang makapagbabawas ng timbang ang pagkain nang kakaunti, iba naman ang payo ng Department of Health (DoH): Magiging epektibo ang pagpapapayat kung kakain nang marami.

Sa blog nito sa Facebook, sinabi ng kagawaran na mababawasan ang timbang ng isang tao sa pagkain nang marami sa pamamagitan ng “simple trade-offs”.

Payo ng DoH: “Choose quality over quantity. Ever heard of calorie counting? Not only does it not work, it also doesn’t help in preventing weight gain…. So instead of cutting down portions, make them count instead.”

Gayunman, hindi rin daw dapat pagtiwalaan ang mga food label, dahil ang “nutrition facts are purposely made to be confusing to mislead customers”, kaya pinakamainam ang suriin ang ingredients.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“If you see anything refined and processed or simply words you can’t even pronounce or vague put it back… It is safe to say that anything that needs to be frozen or packaged has a lot of hidden sugars, salt and preservatives to make them last longer and are all hidden causes of weight gain,” anang DoH.

Itinuwid din ng kagawaran ang maling palagay tungkol sa carbohydrates bilang nakasasama, at sa protina bilang lunas:

“Yes, protein is important but it doesn’t out rank carbs in the nutrition pyramid. In fact, we all need carbs, protein and fats to be healthy. We need carbs to fuel our daily activities.”

Kasabay nito, nagbabala ang DoH laban sa panganib ng protein overloading.

Ayon sa DoH, ang labis na konsumo ng mga protinang galing sa hayop ay maaaring magresulta sa liver cancer, type 2 diabetes, sakit sa puso, auto-immune diseases at obesity.

Hindi rin tama, ayon sa DoH, na umiwas sa matatamis na pagkain, dahil nakapagbibigay ito ng enerhiya. “Most people just eliminate sugar all together but fact is, we do need it! People with too little sugar in the body develop hypoglycemia, or low blood sugar, and usually end up over compensating on fatty foods,” anang kagawaran.

Pinaiiwas din ang publiko sa mga extra serving, gaya ng parmesan sa pasta at whip cream sa Banana Split, dahil marami itong sodium, fat at refined sugar.

Payo pa ng DoH, mahalaga sa immune system at hindi nakatataba ang unrefined unadulterated salt (Sea Salt, Celtic Salt, at Himalayan Salt); direktang nagdudulot ng pagtaba ang kawalan o kakulangan sa tulog; gumawa ng inumin mula sa gulay; at gawing regular ang pag-eehersisyo. (Charina Clarisse L. Echaluce)