romero copy

Sinimulan na ni 1-Pacman Party-list Congressman Mikee Romero ang unang hakbang para sa katuparan nang inaasam na Department of Sports (DOS) nang ihain ang panukala para sandigan ang kaunlaran sa DOS.

Sa opisyal na pagbubukas ng 17th Congress sa Lunes, sinabi ni Romero na ihahain na niya ang House Bill No. 287 na magiging pundasyon para sa pagtatayo ng DOS. Aniya, may 81 kongresista ang nagpahayag ng suporta sa kanyang resolusyon.

Iginiit ni Romero na ang HB No. 287 ang siyang magpupuno sa kakulangan ng pamahalaan na maipagkaloob ang progreso at kaunlaran ng mga atletang Pinoy para maging world-class.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Batay sa DOS, magiging Secretary ang posisyon ng magiging chairman dito at mapapabilang sa Kabinete ng Pangulo, taliwas sa kasalukuyang katayuan ng Philippine Sports Commission (PSC) na isa lamang sangay ng pamahalaan.

Ayon kay Romero, lubhang mabagal ang pag-usad ng sports sa bansa bunsod ng kakulangan sa pagbibigay ng direksyon at tunay na suporta sa pagsasanay at paglahok ng atletang Pinoy sa torneo sa abroad.

“Since Mansueto Velasco won a silver medal in boxing during the 1996 Atlanta Olympics, the Philippines has not won a single medal in the succeeding editions,” sambit ni Romero, nagsilbing team manager sa ilang National Team tulad ng basketball at cycling.

“Philippine sports seemed to have reached its threshold,” aniya.

Matapos makamit ng bansa ang overall championship sa Manila SEA Games noong 2005, pawang kabiguan na ang natikman ng Pinoy kung saan lumagapak sa ika-pitong puwesto ang Pilipinas sa 2007 Sea Games at hindi na bumaba sa kasalukuyan.

Hiniling din ni Romero sa mga matatandang opisyal na magbigay-daan para sa liderato ng mas batang mangangasiwa sa kani-kanilang sports.