“PAGBABAGO” ang tema ng pamamahala ng bagong administrasyon na pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay nangangahulugan ng pagbabago mula sa pagiging corrupt, baluktot na kaugalian, patungong sa maayos at matinong serbisyo, lalo na sa gobyerno.

Hayaan ninyong ilarawan ko ang mga pangunahing dahilan para sa pagbabago sa isang maikling kuwento.

May dalawang magkapatid, sina Michael at Chris, sila ay ipinanganak noong 1960s at lumaki sa Richmond, California.

Pareho silang mahusay sa eskuwela at puro “A” ang kanilang mga grado sa kabuuang taon ng kanilang pag-aaral sa elementary.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ngunit dahil mula sa isang pamilya na may simpleng pamumuhay at may walong anak, naging problema ang pera sa kanila, kung kaya’t minsan lamang makapasyal ang magkakapatid.

Katunayan, dahil sa kagipitan, napilitang magnakaw ang dalawang lalaki. Simula noong limang taong gulang pa lamang sila hanggang sa makatapos ng high school, nagnanakaw ang dalawang magkapatid.

Noong high school na sila, may isang pangyayari na naging dahilan kung bakit nagdesisyon si Chris na magbago. Sa huling bahagi ng kanyang freshman year, nakakuha si Chris ng tatlong “A” at tatlong “F” sa kanyang report card.

At dahil tatlong bagsak lamang ang maaaring palusutin ng kanilang eskuwelahan sa loob ng apat na taong pag-aaral sa high school, isa pang bagsak ni Chris ay mapapatalsik na siya sa kanilang pinapasukang eskuwelahan.

Makalipas ang ilang taon, sinariwa ni Chris ang mga pinagdaanan niya sa buhay sa pagsasabing: “I sat outside my house at the beginning of that summer knowing that I was letting my chance slip away. One more F and I’d be just another high school dropout, hanging around the neighborhood.”

Ang desisyon ni Chris na magbago ay hindi madali. Ngunit dahil sa pagbabago niyang ito, naging malaki ang pagkakaiba nila ng kapatid niyang si Michael.

Nagbago si Chris at nakapagtapos ng high school… hanggang mag-kolehiyo at pumasok ng law school. Sa loob ng 15 taon naglingkod siya bilang Deputy District Attorney sa Los Angeles, California, inaareglo ang mga kasong murder, drugs, gang members at tiwaling pulis.

Ngayon ay mas kilala na si Chris bilang Christopher Darden, isa sa nangungunang prosecutor.

Ang “pagbabago”, ay ang paglakad sa diretsong landas, pagbabago sa maling nakagawian. Sabi nga ng Panginoon: “If you do not reform, you will all perish” (Lk 13,5). (Fr. Bel San Luis, SVD)