BEIJING (AP) - Tatlong araw na tuluy-tuloy na pag-ulan sa China ang naging dahilan ng pagkamatay ng 50 katao at pagkawala ng 12 pa, bukod pa sa nawasak ang libu-libong bahay, kinumpirma ng mga awtoridad kahapon.

Dalawampu’t pitong katao ang namatay dahil sa walang-tigil na ulan at 12 ang nawawala simula pa noong Huwebes, sa Hubei, ayon sa provincial civil affairs department. Halos 400,000 katao ang inilikas at 15,000 bahay ang nawasak.

Ipinalabas sa telebisyon noong Sabado na gumagamit ang mga tao ng bangka upang makadaan sa mga kalsadang lubog sa baha sa probinsiya ng Anhui. Ayon sa civil affairs department ng Anhui, 18 katao ang nasawi at apat ang nawawala.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'