PNOY, JOSH, BIMBY & KRIS copy

“I’LL BE BACK.”

Ito ang post ni Kris Aquino sa Instagram nitong nakaraang Huwebes ng gabi.

Ito na marahil ang sagot ng Queen of All Media sa mga nagtatanong kung babalik pa siya ng showbiz o hindi na dahil nga may kinalaman sa kanyang kalusugan ang pagpapahinga niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

May source na nagbulong sa amin na babalik sa limelight ang TV host at travel show ang gusto niyang programa at hindi na morning show.

Pero mukhang hindi pa rin handa si Kris na sabihin kung anu-anong programa ang gagawin niya sa ABS-CBN at kung nag-renew na ba siya ng kontrata niya base na rin sa isa pang post niya na, “3 Thing to Keep PRIVATE: Love Life, Bank Account at Next Move.”

Dagdag pang post niya, “I belong to Myself, but you can borrow me sometimes’ at, “Apart from some endorsement commitments this July, I’m going to try being quiet & private, let’s see how long it lasts?”

Nagtanong kami sa ABS-CBN exec kung nag-renew na ang Queen of All Media ng kontrata sa kanila, pero hindi kami sinagot at tulad nga ng sabi ni Kris, iki-keep private na niya ang mga next move sa buhay niya.

Samantala, pagbalik ni dating Presidente Noynoy Aquino sa kanyang bahay sa Times Street, Quezon City ay nag-post si Kris ng litratong magkakasama silang apat nina Josh at Bimby, “Last IG Moment before Noy starts to enjoy his quiet life & by God’s grace may true & lasting love find him.”

Pinasalamatan na rin ni Kris ang buong tropa ng Presidential Security Group na nagsilbi sa kanila sa loob ng anim na taon.

“Last picture w/ our team. They all have new assignments, dropping us off in Times was the last part of their duty.

Having experienced this 24 years ago in 1992 prepared me for all the emotions of today, 2016. To quote a favorite song, ‘And if being real means you’ll someday say goodbye, remember my friend goodbye’s not the end, it’s a circle you know and it starts with one hello.’ #ProudPinoy.”

Ang pinaka-touching na ipinost ni Kris sa IG ay may background music na, ‘Kay sarap palang maging Pilipino’ habang papaalis na si PNoy sa Malacañang at inihahatid ni Presidente Rodrigo Duterte pababa ng hagdan at sumakay na si Citizen Noy sa Land Cruiser na maghahatid sa bahay niya at naka-hand salute lahat ng PSG at pulis habang dumaraan ang kanyang sasakyan.

“The essence of DEMOCRACY,” caption ni Kris sa picture na magkatabi sina Citizen Noy at President Digong.