Maipagpapatuloy ni Asia’s first Grandmaster Eugene Torre ang mahabang kasaysayan sa World Chess Olympiad matapos itong irekomenda ng kapwa GM na si Jayson Gonzales na pumalit sa kanya sa Philippine men’s chess team na sasabak sa 42nd Chess Olympiad 2016 sa Baku, Azerbaijan, sa Setyembre 1-14.

Nakapagkuwalipika si Gonzales sa pambansang koponan matapos tumabla sa liderato subalit kinapos sa tiebreak para sa korona sa katatapos na Battle of Grandmasters na napanalunan ni Rogelio Antonio Jr. subalit ibinigay nito ang puwesto kay Torre bilang miyembro ng five-man national chess team.

“Ang gusto nila (National Chess Federation of the Philippines), sasama ako pero hindi para maglaro sa men’s team, kundi ang mag-concentrate sa pagka-captain o pagku-coach sa women’s team,” paliwanag ng 47-anyos mula sa Quezon City na si Gonzales.

“Gusto ko mang maglaro, mas mahalaga pa rin ang sumunod tayo sa higher authority kung ano ang utos sa atin,” sabi ni Gonzales na executive director din ng NCFP at madalas italagang tournament director ng mga palaro ng pederasyon sapul nang nombrahan siya sa kanyang posisyon noon pang 2011.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Asam naman ng NCFP na makabawi ang women’s squad na galing sa pinakamasaklap nitong kampanya sa kada dalawang taong torneo na 64th place sa 136 na entry noong 41st Olympiad sa Tromso, Norway noong 2014 kung saan si Gonzales rin ang non-playing-team o coach. (Angie Oredo)