TATLONG magkakaibigang hindi nakapagkita-kita matapos ang kanilang high school graduation ang muling nagsama-sama sa isinagawang class reunion at nag-usap-usap.

“Sa bayan namin,” pahayag ng una, “ ‘Monsignor’ ang tawag sa akin ng mga tao dahil ako ay part-time lay minister.”

Sumagot naman ang isa: “Well, isa na akong negosyante ngayon ngunit ako ay aktibong charismatic elder. Nagbibigay ako ng spiritual talks kung kaya’t ang tawag nilang lahat sa akin ay ‘Cardinal’.”

Ang ikatlo naman ay nananahimik at nakikinig: “Well, ako ay isang sales representative. Tumutulong ako sa simbahan bilang kolektor. Marami ang tumatawag sa akin na ‘God’.”

“Ano, God? Paano nangyari ‘yon!” nagtatakang pahayag ng kanyang mga kaibigan. Sumagot ang sales representative at sinabing, “Makikita mo kapag kumatok ako sa mga pintuan ng mga customer, at nakita nila akong dala-dala ang mga produkto ko, sinasabi nila, ‘My God, my God, ikaw na naman!’”

Ang nakakatawang kuwentong ito ay naglalarawan lamang na parami na nang parami ang nakikibahagi sa Simbahan.

Ilang taon na ang nakalilipas nang pangunahan ko ang isang Misa para sa dalawang araw na Life in the Spirit Seminar (LSS) ng Loved Flock charismatic community sa DPWH chapel, Port Area sa Maynila.

Ang hinding-hindi ko malilimutan sa araw na iyon ay ang mga propesyunal na tumulong sa mga taong nangangailangan ng spiritual renewal.

Hindi sila nanalangin ng pansarili lamang, kundi ibinahagi nila ang kanilang tatlong “T“: time, treasure, at talent.

Sama-sama nilang pinagnilayan ang gospel ngayong ika-14 ng Linggo: “Jesus appointed seventy-two other disciples, and sent them two by two, ahead of him” (Lk 10,1).

Nilinaw ito ng Vatican II Decree on Laity:”Incorporated into Christ’s Mystical Body through baptism and strengthened by the power of the Holy Spirit through confirmation, the laity are ASSIGNED to the apostolate by the Lord himself” (3).

Kaya, kung ikaw ma’y isang abogado, clerk, doktor, isang executive, guro o kahit ano pa, ikaw ay ipinadala sa lupa upang makibahagi sa apostolic work ng Simbahan gaya ng ginawa ng mga nasabing propesyunal, magsagawa ng Life in the Spirit Seminar. (Fr. Bel San Luis, SVD)