Idineklara ng Office of the Ombudsman na may sapat na basehan upang kasuhan ng graft si Virginia Uy, municipal treasurer ng San Sebastian, Samar, dahil sa kabiguan nitong i-liquidate ang P12-milyon halaga ng cash advance simula 2009 hanggang 2012.

“Public funds had been recorded as disbursed in 2011 and 2012 yet the disbursement vouchers and other supporting documents for the transactions were not submitted to the Commission on Audit (COA) for audit,” nakasaad sa resolusyon ng Ombudsman.

Iginiit din ng anti-graft court na si Uy ang nagbayad ng tseke kaya ito dapat ang managot sa pondo.

Samantala, napag-alaman ng Commission on Audit (CoA) na pinagmulta ang munisipyo ng P642,850.51 dahil ang ibinayad na tseke ay walang sapat na pondo. (Jun Ramirez)

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol