Hulyo 2, 1997 nang ipalabas ng Columbia Pictures ang comedy film na “Men in Black” sa mga sinehan sa United States, at humakot ito ng mahigit $250 million.

Sa pelikula, ginampanan nina Will Smith at Tommy Lee Jones ang pareha ng mahuhusay na pulis na nagmo-monitor sa alien activity sa Earth. Ibinulgar nila ang plano ng intergalactic terrorist na patayin ang dalawang alien ambassador, at kinailangan nilang tugisin ang terorista upang maiwasan ang salpukan ng dalawang mundo.

Ang pelikula ay halaw sa comic book noong 1990s na may kaparehong titulo, at isinulat ni Lowell Cunningham. Nakitaan ng mga producer na sina Walter Parkes at Laurie MacDonald ng potensiyal ang pelikula, dahil itinampok sa libro ang mga bida mula sa ordinaryong mundo.

Si Steven Spielberg ang executive producer ng pelikula; habang si Barry Sonnenfeld ang direktor. Gumanap din si Smith bilang Hollywood leading man.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan