UMABOT na sa kahanga-hangang 90 milyon ang followers sa Twitter ng Roar singer nitong Biyernes na ipinagdiwang naman agad gamit ang ilang celebratory tweets.

“It’s party time, @katyperry!” ayon sa isang mensahe galing sa opisyal na account ng Twitter. “With 90 million on the guest list, we’re gonna need a really big dance floor.”

Agad itong ini-retweet ng 31-anyos na pop star, na nanatiling most-followed user sa naturang site, kasabay ang sagot na, “Dang this is tight.”

Agad namang nag-trending ang hashtag na #Katy90GIFParty na pinasimulanan ng fans at nagpahayag ng kanilang mga pagbati sa Califronia native gamit ang mga paboritong animated images ng diva. Marami sa mga ito ay naglalaman ng kanyang mga larawan habang siya’y sumasayaw, kumikindat, at naglalagay ng makinang na tiara sa kanyang ulo tulad ng dapat gawin ng isang reyna ng Twitter.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Magkadikit lamang sila ng sumunod sa kanyang si Justin Bieber na mayroon namang 83.9 na milyong followers, at ang kanyang nababalitang frenemy na si Taylor Swift na may 79 na milyong followers.

Ngunit mapapansin sa most-retweeted posts ni Perry na naglalaman ito ng mentions ng Sorry singer. Nakakatanggap din siya ng sobrang pagmamahal mula sa tweets tungkol sa One Direction.

Naging laman din ng headlines ang Twitter account ni Perry noong Mayo nang maibalitang na-hack ito ng ibang user na nag-tweet ng mga mensaheng hindi kanais-nais, kasama na rin ang isang shoutout kay Taylor Swift na “miss you baby.”

Sa kabutihang palad, ang hindi inaasahang pangyayaring ito ay hindi naging dahilan upang isuko ni Perry ang kanyang well-deserved Twitter crown. (ET Online) (Isinalin ni Clarise Cabrera)