Ipinamalas ni US-based Fil-American hurdler Eric Cray ang kahandaan para sa pagsabak sa Rio Olympics nang pagwagian ang paboritong event sa ginanap na IAAF World Challenge Series kamakailan sa Sweden.
Nakopo ni Cray ang gintong medalya sa 400-meter hurdles sa tiyempong 49.67 segundo kontra kina Juander Santos ng Dominican Republic (49.90) at Cornel Fredericks ng Russia (49.94).
Sa Madrid Serries ng torneo, naitala ni Cray ang bagong Philippine record sa 400-meter hurdles sa tiyempong 48.98 segundo.
Ang 24-anyos na si Cray ang unang Pinoy na nakapagkuwalipika sa Rio Games nang mahigitan ang Olympic standard time sa US Trials noong Nobyembre.