Nabigong matangay ng mga holdaper ang P2.4 milyon cash na pangsahod sa mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng Department of Labor and Employment (DoLE), ngunit napatay nila ang dalawang kawani ng kagawaran na kanilang hinoldap sa Barangay Maputi, Naawan, Misamis Oriental, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa report ng Naawan Municipal Police, kinilala ang mga biktimang sina Daniel Bacla-on at Ulysis Laborte, kapwa kawani ng DoLE-Iligan City.

Binaril sina Bacla-on at Laborte ng dalawang suspek makaraang holdapin sa Purok 11 sa Bgy. Naputi.

Ayon kay SPO2 Danny Macario, sakay ang mga biktima sa Toyota Innova mula sa Cagayan de Oro City nang pagbabarilin sila ng mga suspek gamit ang .45 caliber pistol.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakaligtas naman sa holdapan ang tatlong kasamahan ng mga biktima na sina James Ilusa, Jasper Fojeda, at Niña Pepito.

Gayunman, hindi nakita ng dalawang suspek ang bag na naglalaman ng P2.4 milyon na pangsahod sa SPES beneficiaries, dahil sa pagmamadaling makatakas. (Fer Taboy)