VP Leni at Kris copy copy

PRESENT si Kris Aquino sa oath taking ceremony ni Vice President Leni Robredo sa Quezon City Reception House, New Manila kahapon. May may ilang nagulat nang makita siya dahil absent daw pala siya sa Malacañang para sa pagbaba naman sa puwesto si Pangulong Noynoy Aquino bilang ikalabing-limang presidente ng Pilipinas at inagurasyon naman ni President Rodrigo Duterte.

“Hindi, si Noy lang,” sagot ni Kris nang may magtanong sa kanya kung bakit wala siya sa Malacañang. “I think ‘yun lang naman, di ba? Kasi hindi naman kami asawa. Kapatid lang kami.”

Sa panayam ng ilang reporters na dumalo sa oath taking ni VP Leni at sa report ng PEP, sina PNoy at PDuterte lang ang kailangan sa Malacañang.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“No, I think, di ba, if I’m not mistaken, hinahatid mo (‘yung outgoing president). Kasi, I think no’ng 2010, ‘yon din naman ang nangyari, eh. So, I think that’s protocol,” sabi ni Kris.

Naniniwala si Kris na magiging matagumpay ang bagong administrasyon nina PDuterte at VP Leni.

Ito ang post ng Queen of All Media sa Instagram kahapong 7AM:

“When I was praying last night, I thanked God for the memories we will treasure. What stood out in my heart was the opportunity to have been in the presence of @franciscus, attending His Mass w/ all other Filipinos who share our faith, and all the times Tito Noy made an extra effort to include Kuya Josh & Bimb.

“May God continue to bless President Duterte & Vice President Robredo, the success of our leaders is also the success of our country. MABUHAY ANG DEMOKRASYA! “

At habang nasa stage at nanunumpa si VP Leni ay nag-post ulit si Kris ng, “God bless you VP@lenirobredo.” At nagpa-picture rin silang dalawa.

Well appreciated ang presence ni Kris sa oath taking ni VP Leni dahil siya ang may pinakamalaking contribution sa kampanya nito na umabot sa P31.8M.

Samantala, bago mananghalian ay umuwi na si Citizen Noy sa kanyang bahay sa Times Street, Quezon City na may mga nakahandang pagkain para sa mga bisita.

“Merong mga nag-organize,” kuwento rin ni Kris sa media. “Hindi ko alam talaga. Kasi ‘di ko naman bahay. Bisita lang ako. Pero nando’n kaming lahat.

“May hinanda kami, may lunch. Ang hirap lang mag-plug, pero do’n sa mga franchise na pag-aari ko, may naka set-up mamaya do’n sa mga bibisita at dadalaw.

“Naghanda na ako. Kasi gusto niya (PNoy), maraming pica-pica. So, handa ‘yong isa sa mga brand na pag-aari ko, na magmula 12 noon hanggang kinagabihan merong pica pica.” (REGGEE BONOAN)