OPISYAL nang kinilala si Scarlett Johansson bilang top-grossing actress sa kasaysayan ng takilya sa Amerika.

Sa edad na 31, umani ng 3.3 bilyong dolyar ang aktres sa lokal na takilya dahilan para kilalanin siya bilang 10th highest earning actor, male or female, in Hollywood, ayon sa Box Office Mojo. 

Si Scarlett ang pinakabatang aktres na nakasali sa top 10 list na naungusan ng mga mga aktor na sina Harrison Ford, Samuel L. Jackson, Morgan Freeman, Tom Hanks, Robert Downey Jr.,Eddie Murphy, Tom Cruise, Michael Caine at Johnny Depp. 

Kasama rin sa listahan ng top-grossing actresses sina Cameron Diaz na nasa rank no. 19, kasunod naman sina Helena Bonham Carter, 26, Cate Blanchett, 29, Julia Roberts, 30, Elizabeth Banks, 31, Emma Watson, 32, at Anne Hathaway, 50. 

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Matatandaan ang pagganap ni Scarlett bilang Natasha Romanoff o Black Widow, sa limang Marvel films na kinabibilangan ng Iron Man 2 noong 2010, The Avengers noong 2012, Captain America: The Winter Soldier, 2014 at Captain America:

Civil War na kapapalabas lamang ngayong taon. Ginamit din ang boses ni Johansson para sa karakter ni Kaa sa The Jungle Book at lumabas din siya sa pelikulang Hail, Caesar! na pinalabas na din ngayong taon.

Nagpahayag kamakailan ng saloobin ang aktres ukol sa gender wage gap sa Hollywood, at sinabi niya sa Cosmopolitan na, “There’s something icky about me having that conversation unless it applies to a greater whole.”

“I am very fortunate, I make a really good living, and I’m proud to be an actress who’s making as much as many of my male peers at this stage ... I think every woman has [been underpaid], but unless I’m addressing it as a larger problem, for me to talk about my own personal experience with it feels a little obnoxious. It’s part of a larger conversation about feminism in general,” dagdag pa niya. (People.com) (Isinalin ni Clarise Cabrera)