AKSIDENTENG naipalabas ang trailer ng R-rated movie na Sausage Party sa isang sinehan sa Concord, California na para sa mga manonood ng Finding Dory, na pelikulang pambata.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga manonood sa Brendon Concord 14 nang ipakita ang animated film na Sausage Party sa harap ng maraming batang manonood. Ang pelikula ay tungkol sa mga pagkain at bagay sa pamilihan na kalaunan ay nalaman ng mga ito na sila ay ginagamit at kinokonsumo.

Dark comedic film o may nakaaalarmang nilalaman ang nabanggit na pelikula kaya ganoon na lamang ang reklamo ng mga manonood sa management ng theater company na Brendon Theatre.

Inamin ng mga opisyal ng Brendon Theatre na malaking pagkakamali ng kanilang theater manager ang pagpapalabas ng trailer sa kagustuhan nitong tumanggap ng mas maraming audience para sa Finding Dory at sila ay humihingi ng paumanhin.

Tsika at Intriga

Matapos bigyan ng bulaklak: Daniel hinalikan sa bumbunan si Kathryn?

Ayon sa vice president of operations ng nasabing kumpanya sa isang written statement na ipinadala sa East Bay Times, “The wrong movie was started by mistake. It was caught soon, but not until the trailer played.”

Dagdag pa nito, “We regret it, apologize for it, and we are not happy that it happened. We fully realize this trailer is not appropriate for ‘Dory’ and we would never schedule something like that. The trailer for ‘Sausage Party’ is not and never has been scheduled with Dory.” (PRINCESS ENRIQUEZ)