Lumakas ang piso laban sa dolyar sa morning session nitong Huwebes at sinabi ng isang ekonomista na ang inagurasyon ng mga bagong lider ng Pilipinas ay napatunayang positibo sa lokal na salapi.

Binuksan ng piso ang araw sa 46.91 at lumakas ng hanggang 46.88 sa mid-trade. Ang weakest trade sa morning session ay nasa 47.02. Dinala nito sa 46.96 ang average level sa morning trade.

Ang volume of trade ay umabot sa USD297.2 million.

Sinabi ni BDO chief strategist Jonathan Ravelas na masigla ang mga investor sa pagpasok ng administrasyon ni President Rodrigo R. Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Local markets are optimistic on new Philippine leader as his change is expected to shift the country’s growth rate to a higher path through focus on agriculture, infrastructure and peace and order,” aniya.

Nanumpa si Pangulong Duterte sa Malacañang Palace eksaktong 12:00 ng tanghali kahapon habang si Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo ay nanumpa sa kanyang tungkulin sa Quezon City Reception House sa New Manila dakong 9:00 ng umaga. (PNA)