MAGANDA sana kung sa grand presscon mamayang gabi ng Imagine You And Me movie nina Alden Richards at Maine Mendoza, kantahin nilang dalawa ang theme song ng movie na sinulat mismo ni Maine. May version sila ni Alden ng song.

Natanong si Maine kung paano niya nasulat ang kanta.

“After po ng storycon, sinabihan ako kung puwede or if okay lang po ba sa akin na ako po ‘yong magsulat. Siyempre isa po ‘yong karangalan sa akin na ako po ‘yong magsulat ng kanta para sa pelikula. Sinulat ko siya after ko basahin ‘yong script. Binasa ko ‘yong script sa kotse ‘tapos kinuha ko ‘yong phone ko. Sinulat ko kasi fresh pa ‘yong feeling kaya tuluy-tuloy lumabas ‘yong salita,” sagot ni Maine.

Aniya, galing sa puso niya ang pagsusulat niya ng kanta. Ginamit naman niya ang utak niya for correct usage of words.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya maganda ang labas ng song dahil ginamit ni Maine ang puso at utak niya.

Si Vic Sotto ang naglapat ng musika sa theme song at si Jimmy Antiporda ang nag-areglo. May solo version si Maine at may duet sila ni Alden.

Maririnig ang theme song kapag pinanood ninyo ang Imagine You And Me na sa July 16 ang playdate, mula sa direction ni Mike Tuviera.

Halatang sabik ang Aldub Nation fans na mapanood ang pelikula nina Alden at Maine dahil umabot agad sa 1.1 million ang views ng trailer sa loob lang ng 11 hours. (NITZ MIRALLES)