BOSTON (AP) – Nagpasya ang isang Boston-based publishing company na i-donate ang mga kinita mula sa manifesto ni Adolf Hitler sa isang lokal na organisasyon na tumutulong sa mga matatandang biktima ng Holocaust.

Ang hakbang ay kasunod ng pagbatikos sa publisher na Houghton Mifflin Harcourt ng Jewish advocates sa plano nitong ipagkaloob ang proceeds at royalties mula sa libro sa Boston-area cultural organizations, at hindi sa mga lumaban sa anti-Semitism.

Nakisosyo ang Houghton Mifflin Harcourt sa Boston-based Combined Jewish Philanthropies upang tukuyin ang pinakamainam na paggagamitan ng mga kinita mula sa “Mein Kampf” at ipagkakaloob ito sa Jewish Family & Children’s Service of Greater Boston.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture