Inutos ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft laban kay dating Caloocan City mayor Enrico Echiverri kaugnay ng umano’y maanomalyang drainage system project nito na umabot ng P2.9 milyon noong 2011.

Tinukoy ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na partikular na nilabag ni Echiverri ang Section 3 (e) ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Idinahilan ni Morales na pumasok ang lokal na pamahalaan ng Caloocan sa isang kontrata sa kumpanyang E.V. & E Construction (EVEC) noong 2011 para sa pagsasaayos ng drainage system ng Molave Street sa Pleasantview Subdivision.

Sinabi ng anti-graft agency na naglabas ng notice of disallowance ang Commission on Audit (CoA) sa nabanggit na proyekto noong Oktubre 2013 nang madiskubre ng komisyon na maraming iregularidad ang proyekto.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Nadiskukbre rin ng CoA na hindi inaprubahan ng Sangguniang panlungsod ang proyekto.

Kasamang pinakakasuhan ng Ombudsman ng graft at falsification of public documents ang dalawang dating ng opisyal ng lungsod na sina accountant Edna Centeno at city budget officer Jesusa Garcia. (Rommel P. Tabbad)