Pormal nang nanumpa sa tungkulin si Rodrigo Roa Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng bansa kasabay ng pangakong paiigtingin niya ang kampanya laban sa ilegal na droga, krimen at kurapsiyon sa gobyerno.

Pinangasiwaan ni Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes ang oath of office kay Duterte sa Malacañang na dinaluhan ng kanyang pamilya, mga opisyal ng pamahalaan, diplomats at iba pang kaalyado ng kanyang administrasyon.

Isa ring abogado, si Duterte ang unang taga-Mindanao na naluklok sa Malacañang.

“Erosion of faith and trust in government—that is the real problem that confronts us. Resulting there from, I see the erosion of the people’s trust in our country’s leaders; the erosion of faith in our judicial system; the erosion of confidence in the capacity of our public servants to make the people’s lives better, safer and healthier,” pahayag ni Duterte.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Indeed ours is a problem that dampens the human spirit. But all is not lost,” iginiit ng bagong leader sa kanyang talumpati na tumagal nang 14 na minuto na walang pagmumura gaya ng kanyang nakaugalian sa mahigit dalawang dekada niyang panunungkulan bilang alkalde ng Davao City.

Hiniling ni Duterte ang tulong hindi lang ng Kongreso kundi maging ng Commission on Human Rights (CHR) sa paglilinis ng lipunan laban sa mga kriminal kasabay ng pangakong hindi niya tatantanan ang mga ito.

“As a lawyer and a former prosecutor, I know the limits of the power and authority of the president. I know what is legal and what is not. My adherence to due process and the rule of law is uncompromising,” dagdag niya. “You mind your work and I will mind mine.”

Inatasan din niya ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na bawasan ang mga requirement sa lahat ng transaksiyon sa mamamayan upang mapabilis ang serbisyo sa publiko.

Binalaan din ni Duterte ang mga kabaro niya sa gobyerno na makiisa sa kanyang adhikain o kung hindi sila tutugon ay makabubuti, aniya, na magbitiw na lamang sila sa puwesto. (MADEL SABATER-NAMIT)