Tiwala si Senator Bam Aquino na magkakasundo rin sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa tamang panahon, lalo pa’t nahaharap sa malaking problema ang bansa.

“Kapag kaharap mo na ang mga problema sa education, poverty, employment—really serious issues—that’s the time the divisions we saw during the elections should start to fade away. You get to realize that if you really want this country to move forward, you need to work with everyone,” ani Aquino.

Aniya, sariwa pa sa alaala ang halalan kaya natural lang na may mga isyu na hindi pa naaayos lalo pa’t nanggaling ang dalawa sa magkatunggaling partido.

Nanumpa kahapon si Duterte sa Rizal Hall sa Malacañang bilang ika-16 na Pangulo ng bansa habang si Robredo naman ay sa QC Reception House sa Quezon City nanumpa.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Everyone has a hangover from the campaign. Very soon, the burden of governance will sober everyone up. The important thing is how to move the country forward and not on where we came from and who we supported in the last elections,” wika ni Aquino.

Aniya, mas magandang pagtuunan ng pansin ang mahalagang bagay at ito ay ang pagtupad sa tungkulin ng isa’t isa at tuparin ang ipinangako sa taumbay. (Leonel Abasola)