WASHINGTON (AP) – Hindi na nagpatumpik-tumpik ang Washington Wizards at kaagad na inalok ng limang taong kontrata na nagkakahalaga ng $130 million si Bradley Beal, ayon sa isang opisyal na tumangging pangalanan sa Associated Press.

Sa pagsisimula ng negosasyon sa free agency, mabilis ang pagkilos ng Wizards para mapanatili sa koponan ang wingman na may 17.4 na puntos.

Sa Toronto, ipinahayag din ng AP mula sa isang source na tinanggap ni guard Demar DeRozan ang alok ng Raptors na limang taong contract extention. Hindi binanggit ang kabuuan ng kontrata hangga’t hindi pa nalalagdaan sa Hulyo 7.

Sa Los Angeles, nakuha ng Lakers si Russian center Timofey Mozgov mula sa Cleveland Cavaliers sa halagang $64 million sa loob ng apat na taon.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Samantala, binigyan ng qualifying offer sina Fil-American Jordan Clarkson, Tarik Black at Marcelo Huertas para maging restricted free agent.

Sa Cleveland, naging restricted free agent din si backup point guard Matthew Dellavedova.