Suportado ni Senator-elect Joel Villanueva ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan habang isusulong ni Senator-elect Sherwin Gatchalian ang libreng pag-aaral sa kolehiyo.

“Meron lamang akong reservation dahil sa mahinang criminal justice system,” diin ni Villanueva sa panayam ng Balita sa kanyang panunumpa sa dambana ng St. Martin of Tours sa Bocaue, Bulacan, noong Miyerkules.

Binanggit niya na dapat paghusayin ang pangangalap ng ebidensiyang magdidiin sa akusado gaya ng CCTV at DNA test.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

“First bill natin ang free education sa kolehiyo,” pahayag naman ni Gatchalian sa panayam matapos niyang manumpa kay Mandaluyong Mayor Benhur Abalos noong Martes. (Mac Cabreros)