MAY nagtanong sa amin kung babalik ng GMA-7 si Angel Locsin, ito raw kasi ang matunog na usap-usapan ng ilang katoto.

Nagulat kami, dahil ang alam namin ay may network contract sa ABS-CBN ang aktres at gagawin din niya ang pelikulang Darna bagamat nagpapagaling pa siya sa kanyang karamdaman.

“Pero kung babalik si Angel sa GMA, tiyak star siya kasi siya lang naman ang sikat doon,” hirit ng editor na ayaw magpabanggit ng pangalan. “Kung gagawin niya ang Darna, bakit ang tagal? Nabantilawan na? Ang aga kasi magpalabas ng teaser sa sinehan, last year pa ‘yan, di ba? Dapat inuumpisahan na.”

E, kasi nga nagpapagaling o baka nga gumigiling na ang kamera hindi lang nagpapakaingay ang Star Cinema at ang production outfit nina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Timing naman na sa panayam ni Nerissa Almo ng PEP ay nagbitiw ng salita si Angel na, “Naniniwala pa rin ako na ako si Darna.”

Tinanong ng PEP ang aktres kung gagawin pa ba niya ang Darna project na nabili na ngayon ng ABS-CBN.

“Nakaka-flatter kasi tumatak sa kanila ang ginawa ko before. Gustung-gusto ko rin naman talaga gawin. Hindi ko pa rin siya masagot sa ngayon kasi nasa process ka ng healing, gusto mong gumaling. ‘Tapos kapag nagsalita ka ng anything, ‘tapos hindi matutuloy, baka ma-depress ulit ako, di ba? Kung ano lang ang ibigay ng Diyos sa akin. Naniniwala ako na kung para sa ‘yo ang proyekto, para sa ‘yo.

“Kung hindi man, baka mayroong mas maganda sa ‘yo. Tingnan natin. Pero nagpapagaling pa talaga ako,” sagot ng aktres.

Positibo ang pagpapagaling ni Angel.

“I’m happy na maganda ang feedback ng doctors and therapist. Undergoing pa rin ako three times a week, nagte-therapy pa rin ako. I’m looking forward na mas maaga ang recovery.”

Tinext namin si Angel habang tinitipa namin ang isyung ito at tinanong kung expired o nag-renew na siya ng kontrata niya sa Kapamilya Network pero hindi niya kami sinagot. (REGGEE BONOAN)