Ipagtatanggol ni Women’s International Boxing Association (WIBA) at Global Boxing Union (GBU) world minimumweight champion Gretchen Abaniel ng Pilipinas ang kanyang dalawang titulo laban sa walang talong si Petcharas Superchamp ng Thailand sa Hulyo 2 sa Punchbowl, New South Wales, Australia.

Ito ang unang depensa ng tubong Puerto Princesa City, Palawan City na si Abaniel mula nang ma-upset ang walang talong si German Oezlem Sahin via 10-round split decision noong nakaraang Nobyembre 7, 2015 para matamo ang dalawang titulo sa sagupaang ginanap sa Ludwigsburg, Germany.

Unang naging WIBA world minimumweight champion si Abaniel noong 2009 pero binitiwan niya ang titulo para masungkit ang mas prestihiyosong kampeonato ng WBC, WBA, IBF at WBO pero lagi siyang natatalo sa puntos sa mga labang ginanap sa South Korea, Japan, Mexico, Thailand at China.

May rekord si Abaniel na 16-8-0, tampok ang anim na knockout, samantalang si Petcharas na ranked No. 3 sa Thailand ay may perpektong karta na 6-1. (Gilbert Espena)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!