OTTAWA (AFP) – Magpapadala ang Canada ng 1,000 sundalo sa Latvia para sa isa sa apat na batalyon na binubuo ng NATO sa Eastern Europe bilang tugon sa pananakop ng Russia sa Crimea, ayon sa media reports sa Canada nitong Huwebes.

Katulad ng United States, Britain at Germany, ang Canada “will establish and lead” ang high-readiness brigade na mag-“contribute to NATO’s enhanced forward presence in Eastern and Central Europe,” ayon sa Defense Ministry.

Ito ang naging pahayag ng Canada isang araw matapos hamunin ni US President Barack Obama ang bansa na kumilos para suportahan ang NATO.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'