Hunyo 30, 1971 nang mamatay ang tatlong Soviet cosmonaut, ilang minuto matapos masira ang valve at ma-depressurize ang Soyuz 11 capsule na kanilang kinalululanan, 100 milya ang layo mula sa Earth.

Nilisan nina Georgi Dobrovolski, Viktor Patsayev at Vladislav Volkov ang Soviet space station Salyut 1 matapos ang 23 araw na pag-iikot sa Earth. Inilunsad ng Soviet Union ang Salyut 1, ang unang space station sa mundo noong Abril 19, 1971.

Nagsagawa rin sila ng live television broadcasts mula sa kalawakan, at nagawa rin nilang makipag-usap gamit ang Mission Control. Ibinalita ni Dobrovolski na naging matagumpay ang kanilang paghiwalay sa Salyut 1.

Pagkaubos ng oxygen ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga cosmonaut. Pinagkalooban sila ng malaking state funeral at inilibing sa Kremlin Wall, sa Moscow.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan

Hindi na isinapubliko ng mga opisyal ng Soviet Union ang sanhi ng trahedya at siniguro na lamang na kanilang iimbestigahan ang nangyaring insidente.