Walang Pilipino na nasaktan o namatay sa pag-atake ng mga suicide bomber sa international airport ng Istanbul, Turkey, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

“There are no Filipinos among the casualties in Istanbul airport bombing,” pahayag ni DFA Spokesperson Charles Jose.

Iniulat ng Embahada ng Pilipinas sa Ankara na walang nadamay na Pinoy sa pag-atake sa Ataturk Airport at patuloy na minomonitor ng tanggapan ang sitwasyon sa naturang bansa.

Sa datos ng DFA, aabot sa 3,500 Pilipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Turkey at 2,000 sa kanila ay nasa Istanbul. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'