Umaasa ang mga senador na malaking pagbabago ang kahaharapin ng mga Pinoy sa pagsisimula ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong Huwebes.

Kung ang kanyang track record ang pagbabasehan sa serbisyo-publiko, sinabi ng bagitong senador na si Sherwin Gatchalian na maituturing na “man of action” si Duterte.

“Naniniwala ako na agad siyang kikilos sa pagsugpo ng krimen. Sa isang sabi niya, agad na kumikilos ang pulisya,” pahayag ni Gatchalian sa text message.

“Naniniwala rin ako na ang kanyang karanasan bilang alkalde ay malaking puntos sa kanyang pag-aaruga at pagmamalasakit sa mga Pinoy,” ani Gatchalian.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Handa naman si Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito na suportahan ang administrasyong Duterte dahil sa pangako nitong ipatutupad ang modernong railway system.

“This will definitely solve so many problems and help our economy immensely. I’m hoping that Duterte’s political will would be able to address the country’s infrastructure weaknesses. Change is coming under Duterte,” giit ni Ejercito.

Maging ang Senado ay handang makipagsabayan sa slogan ng Duterte administration na “Change is Coming.”

“Changes are sure to come. Even in the Senate, we plan to be more strict in enforcing rules,” sabi ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III, na uupo bilang bagong Senate majority leader.

Tulad ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., naniniwala si Sotto na malayo ang posibilidad na ma-impeach si Duterte sa puwesto dahil sa kakaibang istilo nito sa pamumuno sa bansa. (Hannah L. Torregoza)