Sinisingil umano ng technology provider na Smartmatic International ang Commission on Elections (Comelec) sa mga thermal paper na ginamit nila sa pag-isyu ng voters’ receipt noong May 9 national and local elections.

Ayon kay Comelec commissioner Rowena Guanzon, pinagbabayad ng Smartmatic ang poll body ng milyong piso para sa mga thermal paper.

“Now the Smartmatic wants us to pay for something else, but I want to see if it’s based on the contract. Yung mga voter’s receipt, yung voter’s receipt, naaalala nyo,” pahayag ni Guanzon sa mga nagulat na mamamahayag.

Sinabi noon ng Smartmatic na libre ang mga thermal paper na ginamit sa voter's receipts at ibinibigay nila ito bilang donasyon sa poll body.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nang tanungin kung magkano ang sinisingil ng Smartmatic ay sinabi ni Guanzon na milyon ang sinisingil sa kanila ngunit aalamin pa niya ang eksaktong presyo nito.

Matatandaan na noong Abril 14, 2016 ay nagdesisyon ang Comelec en banc na tanggapin ang 1.1 milyong rolyo ng thermal paper na iniaalok bilang donasyon ng Smartmatic para sa voter’s receipts dahil wala naman silang lalabaging batas kung gagawin nila ito. (Mary Ann Santiago)