AKRON, Ohio (AP) — Pormal na ring ipinahayag ni major champion Jason Day, ang world No.1, ang pag-atras sa paglahok sa Rio Olympics.

Direktang ibinigay na dahilan ng Australian star sa opisyal na pahayag nitong Martes (Miyerkules sa Manila) ang takot sa Zika virus.

Nauna rito, humingi rin ng paumanhin sa mga tagahanga si dating world No.1 at four-time major champion Rory McIlroy sa kanyang desisyon na hindi makiisa sa golf na lalaruin sa Olympics sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1904.

“The sole reason for my decision is my concerns about the possible transmission of the Zika virus and the potential risks that it may present to my wife’s future pregnancies and to future members of our family,” pahayag ni Day.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I have always placed my family in front of everything else in my life.” dagdag ni Day.

Ipinanganak ang ikalawang supling nina Day at maybahay na si Ellie nitong Nobyembre, ngunit sinabi ng Filipino-Australian na plano nila ang malaking pamilya.