Tiyak nang makatatanggap ng P100,000 birthday gift ang mga mamamayan na tumuntong sa edad na 100-taon makaraang lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Centenarians Act of 2016.
Sinabi ni Senator Nancy Binay, may-akda ng naturang batas, bukod sa malaking kaluwagan ito sa mga nakatatanda, ay pagbigay-pugay na rin ito sa mga centenarian.
Nakasaad sa batas na tatanggap ng P100,000 ang Pilipinong centenarian, sa loob man o sa labas ng bansa. Itinatalaga din nito ang unang Linggo ng Oktubre bilang National Respect for Centenarians Day, at bahagi ng Elderly Filipino Week.
“The government is now recognizing our centenarians and providing them with the support that they need. Sila po ay buhay na patotoo na kaya nating mapagtagumpayan ang mga pagsubok ng buhay upang marating ang edad na 100 taon,” dagdag ni Binay. (Leonel Abasola)