Nagsampa kahapon ng kasong graft sa Sandiganbayan si dating Metro Rail Transit (MRT) General Manager Al Vitangcol III laban kay outgoing Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya at iba pang opisyal ng ahensiya kaugnay sa umano’y maanomalyang pagbili ng 48 train coach sa isang Chinese company noong 2014.

Sa 9-pahinang affidavit of complaint na inihain sa Office of the Ombudsman, hiniling ni Vitangcol kay Ombudsman Conchita Carpio Morales na imbestigahan si Abaya at lima pang opisyal ng ahensiya na sina Bids and Awards Committee Chairman Undersecretary Jose Perpetuo Lotilla; mga miyembro ng BAC na sina Rene Limcaoco at Julianito Bucayan Jr.; BAC Secretariat Overall Head Catherine Jennifer Gonzales; at MRT Line 3 General Manager Roman Buenafe, sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Bukod dito, pinaiimbestigahan din nito si Abaya at iba pang opisyal ng ahensiya sa posibleng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees.

Inakusahan nito sina Abaya ng “pakikipagsabwatan” sa pagbibigay ng award sa Chinese company na Dalian Locomotive and Rolling Stock Co. kung saan nakapaloob sa kontrata ang P3.7-bilyon upang bumili ng 48 train coach o light rail vehicle (LRV) noong 2014 bilang bahagi ng MRT 3 Capacity Expansion Project.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“There was an exchange of email messages between Dalian representative Antonio de Mesa and a certain Eugene Rapanut, where the former supposedly promised that Dalian will give a 5-percent commission if the contract is awarded to the company,” ayon sa reklamo. (Rommel P. Tabbad)