MOSCOW (Reuters) – Nagbigay ang Russia at United States ng magkasalungat na salaysay nitong Martes kaugnay sa insidente na kinasangkutan ng mga navy ng dalawang bansa sa Mediterranean Sea noong Hunyo 17, sinisi ang isa’t isa sa anila ay hindi ligtas na pagmaniobra.
Sinabi ng Russian Defence Ministry na isang barko ng U.S. ang lumapit sa isang Russian warship sa mapanganib na distansiya, at iprinotesta ang aniya’y tahasang paglabag ng U.S. sa mga patakaran para maiwasan ang pagbanggaan sa karagatan.
Gayunman, sinabi ng isang opisyal ng U.S. Defense, tumangging pangalanan, na nagsagawa ang Russian warship ng “unsafe and unprofessional” operations malapit sa dalawang barko ng U.S. Navy.