NOONG bata pa tayo, madalas tayong mapuyat kakalaro ng computer games, mainis sa pagla-lag ng computer at magpataas ng ranggo sa iba’t ibang laro. Kaya para sa lahat ng nag-aasam na gunitaing muli ang kanilang childhood years, nagbabalik na ang “ballistics-based” MMO game na GunBound.

Ang GunBound ay ginawa ng South Korean developer na Softnyx at una itong ipinakilala sa Pilipinas noong 2006, huminto noong 2009 at nagbabalik sa mundo ng laro ngayong 2016.

Ang GunBound ay mayroong “default” na katangiang tumatak sa manlalaro. Una, ang mga manlalaro ay nahahati sa dalawang kuponan kung saan ang bawat manlalaro ay nakasakay sa ‘vehicles’ na tinatawag na “mobiles”.

Mayroon ding iba’t ibang objectives ang laro kung paano magwawagi, maaring bawasan ang health points ng kalaban hanggang maging zero ito o kaya naman ay ihulog ang vehicle ng kalaban sa labas ng arena.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Ang mga manlalaro ay may kakayahan ding i-customize ang sari-sariling karakter sa laro upang maitaas ang statistical powers ng mga ito.

Ang GunBound ay nasa beta mode pa rin at inaasahang magkakaroon ng updates sa mga susunod na araw.

(PRINCESS ENRIQUEZ)