Isang top-to-bottom revamp ang ipatutupad sa Philippine National Police (PNP) sa pag-upo ni Chief Supt. Ronald “Bato” dela Rosa bilang hepe ng organisasyon bukas.

Sa ngayon, sinabi ni Dela Rosa na tinutukoy na nila ang mga lugar sa bansa na nangangailangan ng mga bagong commander at ang pagbabasehan ng pagtatalaga ay ang datos sa krimen na isinumite sa PNP National Headquarters sa Camp Crame.

“This will be an extensive revamp, entire Philippines. We will identify who among the police commanders who must be replaced,” sinabi ni Dela Rosa sa panayam ng radyo DzMM.

Lumitaw sa inisyal na datos na 15 mula sa 18 regional director ang natukoy na papalitan, at ito ay makaaapekto sa pagtatalaga ng mga bagong provincial director, ayon sa susunod na PNP chief.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Maging ang mga hepe ng city at municipal police station ay hindi palalagpasin sa nakaambang revamp dahil ang mga ito ay ina-assess na rin ng liderato ng PNP ang performance.

Una nang sinabi ni Dela Rosa na magsasagawa sila ng regular assessment sa mga commander hinggil sa mga nagampanan ng mga ito sa kampanya laban sa ilegal na droga.

“The regular assessment is necessary because I have a deadline to beat,” ani Dela Rosa. (Aaron Recuenco)