PAGTUPAD sa pangako ang first television appearance ni Kris Aquino sa GMA-7 pagkatapos ng mahabang bakasyon.
Pero hindi totoo ang wild speculations na lilipat na siya sa Kapuso Network, nag-post lang siya sa kanyang Instagram account ng: “On Wednesday, I get to fulfil my promise to my inaanaks, @dingdongdantes @the realmarian. I’m guesting in Yan Ang Morning.”
Matatandaang isa si Kris sa principal sponsors nang ikasal sina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Maggi-guest siya sa Yan Ang Morning to show her gratitude sa pagsuporta ng mag-asawa kay Vice President-elect Leni Robredo noong nakaraang eleksyon.
Puwedeng-puwede namang mag-appear si Kris sa saan mang network as a guest, dahil wala pa naman siyang existing exclusive contract sa kanyang longtime home network, ang ABS-CBN.
Nag-expire na ang contract ni Kris sa Kapamilya Network noong March, pagkatapos niyang ibalita na magkakaroon muna siya ng temporary break in showbiz. Nagbakasyon siya abroad kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby. Bumalik siya sa bansa para tumulong sa kampanya ni Congresswoman Leni Robredo. Nagbigay siya ng financial support na P31.8 million kay Cong. Leni noong eleksiyon. Pagkatapos ng eleksiyon, umalis muli si Kris at ipinagpatuloy ang bakasyon sa Hawaii kasama ng mga anak at dinalaw din nila ang relatives nila sa Mainland USA.
Nitong nakaraang Linggo pa lamang bumalik ng bansa sina Kris, Joshua at Bimby at mukhang back to work agad siya.
Kahapon ay nasa Dasmariñas, Cavite ang Queen of All Media para sa unveiling ng People Power Monument, hospital marker and the hospital blessing ng Pagamutan ng Dasmariñas, sa imbitasyon ni Congressman Pidi at Mayor Jenny Barzaga.
Ang tanungan sa showbiz circle lalo na ng fans Kris at ng DongYan nang malamang magi-guest ang una sa Yan Ang Morning ay kung live ba ito o taped.
Ang sagot ni Direk Louie Ignacio nang kontakin at tanungin naming kahapon: Taping pa lamang nila ngayon. At sa Huwebes naman ito mapapanood.