IPINAGDIRIWANG ng mga Katoliko ngayon ang kabanalan nina San Pedro at San Pablo. Sina San Pedro at San Pablo ay kapwa dakilang apostol ng ebanghelyo ni Hesukristo at nagpursige sa paglalahad ng mga mensahe ng kaligtasan.

Si San Pedro, gaya ng nakasaad sa ebanghelyo, ay isa sa mga unang apostol na inimbitahan ni Hesus na sumama sa kanya sa pagtupad sa kanyang misyon sa lupa. Isang mangingisda, inalok siya at ang kanyang mga kapatid na maging “mangingisda ng mamamayan”. Itinalaga siyang pinuno ng labindalawa bago at pagkatapos na mamatay si Hesus sa pagkakapako sa krus, ngunit tatlong beses niyang ikinaila si Hesus. Matapos mabuhay na magmuli, tatlong beses na tinanong ni Hesus si Pedro kung mahal siya nito. Pinatunayan ni Pedro ang pagmamahal niya kay Hesus nang ialay niya ang sariling buhay para kay Kristo matapos siyang maipako sa krus nang nakabaligtad sa Roma.

Si Pablo, na ang pangalan ay Saul bago niya nakilala ang Kristo ng Pagkabuhay na nagpakita sa kanya habang patungo siya sa Damascus, ay hindi kabilang sa 12 orihinal na apostoles ni Hesus ngunit siya ang masugid na nangaral sa maraming bansa, hindi lamang sa pamamagitan ng mga salita, kundi maging sa gawa, tungkol sa ebanghelyo ng kaligtasan.

Dumanas siya ng maraming paghihirap sa buong panahon ng pagtupad niya sa kanyang misyon, ngunit nagsilbing inspirasyon sa kanyang pagpupursige ang kanyang dedikasyon at pangako sa ebanghelyo hanggang sa pugutan siya sa Roma dahil sa kanyang pananampalataya kay Hesukristo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang pagiging hindi makasarili, dedikasyon at commitment ng dalawang dakilang apostol na ito ang nagsilbing pundasyon ng pananampalatayang Kristiyano. Sila ang ating mga huwaran sa pamumuhay bilang Kristiyano. Ang selebrasyon ngayon ay isang pagkakataon upang pagnilayan natin ang ating mga buhay at magsumikap na tularan ang mga kabutihang kanilang pinanindigan. Minsan nang sinabi ni Saint John Paul II na sa buong kasaysayan ng Kristiyanismo, ilan ang tinawagan upang mamatay para sa kanilang pananampalataya kay Hesukristo ngunit marami sa atin ang tinatawagan upang isabuhay ang ating pananampalataya sa Kanya. Ngayon, hinahamon tayong isabuhay ang pananampalatayang pinanindigan ng dalawang dakilang tao na ito—kapwa masugid na tagapaglahad ng ebanghelyo—na nagawa pang magbuwis ng sarili nilang buhay.

Dahil si San Pedro ang kauna-unahang Santo Papa, ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ngayon ang Pope’s Day. Isa itong mainam na panahon upang ipanalangin natin ang ating Banal na Ama na si Pope Francis upang matagumpay niyang maisakatuparan ang dakilang tungkulin na ipinagkatiwala sa kanya nang ipinagkakaloob ang sarili sa iba, may dedikasyon at pagpupunyagi. Nawa’y lagi siyang patnubayan ng Panginoon at magliwanag nawa ang Kanyang awa sa buong panahon ng pamumuno ni Pope Francis. Mabuhay sina San Pedro at San Pablo! Mabuhay ka, mahal naming Papa Francisco!