BRUSSELS (AFP) – Binigyan ng mga lider ng EU ang Britain ng breathing space noong Martes nang tanggapin nila na kailangan ng bansa ng panahon para ma-absorb ang shock ng Brexit vote bago simulan ang pagkalas ngunit iginiit na hindi sila makahihintay ng maraming buwan.

Hinarap ng napahiyang si Prime Minister David Cameron ang mga kasamahang European sa unang pagkakataon simula nang botohan nitong nakaraang buwan sa Brussels summit na sinabi ng mga lider na ‘’sad’’ ngunit praktikal.

Nalugi ng ilang trilyong dolyar ang world markets simula nang manaig ang botong kumalas sa EU, habang natulak sa alanganin ang kinabukasan ng United Kingdom matapos magpahayag ang Scotland na isusulong nito ang panibagong independence referendum.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'