Mga laro ngayon

(San Juan Arena)

4 n.h. -- Air Force vs Laoag

6:30 n.g. -- BaliPure vs Pocari

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Aksiyong walang puknat ang matutunghayan sa pag-aarangkada ng semifinals match-up ng Shakey's V League Season 13 Open Conference ngayon sa San Juan Arena.

Nagkatapat ang magkaribal na Bali Pure at Pocari sa best-of-three semifinals nang malaglag sa No.2 seed ang huli matapos magapi ng Philippine Air Force sa pagtatapos ng elimination round noong Lunes.

Bunsod nito, nakuha ng Jet Spikers ang No.1 seeding at makakaharap ang Laoag sa hiwalay na best-of-three sa ganap na 4:00 ng hapon. Nakuha ng Laoag No.4 spot nang magwagi sa do-or-die game laban sa University of the Philippines.

Malaking katanungan ngayon kung mauulit ng Lady Warriors ang naunang panalo sa Purest Water Defenders sa elimination.

Ganap na 6:30 ng gabi ang duwelo ng dalawang paboritong koponan sa liga.

"Kailangan maging solid ‘yung laro namin lalo yung defense," pahayag ni Power Smashers coach Nestor Pamilar.

Kumpara aniya sa ibang team na matagal nang naglalaro ng magkakasama, bagito ang Power Smashers na binubuo ng mga manlalaro buhat sa NCAA at UAAP schools na sinamahan ng ilang mga beteranong player gaya ng lider at setter na si Chie Saet.

Ayaw ding maging kampante ni Pamilar sa kanilang tsansa kahit pa natalo nila ang Jet Spikers sa elimination.

"Siyempre iba na yung level ng laro ngayon kasi semifinals na,lahat gustong makapasok ng finals," ani Pamilar na muling aasahan sina Jovielyn Prado, Saet, Gemma Galanza at Mylene Paat para pamunuan ang Power Smashers.

(Marivic Awitan)