Nakipagtabla na lamang si Grandmaster Rogelio Antonio Jr. sa huling laro kontra International Master Haridas Pascua para masiguro ang kampeonato sa 2016 National Chess Championships-Battle of Grandmaster kahapon, sa Athletes Dining Hall sa Rizal Memorial Complex.

Nakipaghatian ng puntos ang 54-anyos mula Calapan, Oriental Mindoro matapos ang 30 sulong ng Nimso Indian opening para makuha ang 18 puntos mula sa limang panalo at walong draw sa torneo na nagsisilbing try-out para sa binubuong National team na isasabak sa World Olympiad.

“Nagpapasalamat ako dahil napatunayan ko na kaya ko pa mag-champion,”sabi ni Antonio, sasabak sa World Olympiad sa ika-10 pagkakataon.

Huling nakatabla para sa liderato noong nakaraang taon si Antonio subalit tinalo ito sa tie-break ng tinanghal na kampeon na si Richard Bitoon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hindi naman kasali si Bitoon sa torneo dahil kumakampanya sa Estados Unidos kasama ang mga kapwa GM na sina Julio Catalino Sadorra at Mark Paragua.

“Gusto ko rin patunayan sa sarili ko na kaya ko pang maglaro para sa bayan,” aniya. (Angie Oredo)