Magpapatuloy ang paghaharap ng mga batang chess wizard sa gaganaping Southern Luzon leg ng 24th Shell National Youth Active Chess Championships sa Hulyo 2-3 sa SM City Batangas Event Center.

Inaasahan ng organizers ang pagdagsa ng lahok sa nangungunang torneo para sa kabataang mahilig sa chess at magtatangkang maging kampeon sa tatlong division na nakataya.

Bukas ang torneo sa lahat ng estudyante at non-titled player. Kakailanganin ang sertipiko mula sa eskwelahan, ayon kay tournament director Alex Dinoy.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa 0918-3705750 at 0922-8288510 (Dinoy) at 0946-6538080 (Ronald Berdera). Maaari ring magpatala sa Shell website www.shell.com.ph/shell_chess.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Sinimulan ang taunang torneo sa ginanap na National Capital Region leg kung saan nagwagi sina Marc Bacojo sa kiddies division, Julius Gonzales sa juniors section at Lawrence Magura sa seniors class.