HAVANA (AP) — Naganap ang makasaysayang ‘The Shaq show’ sa Havana nitong Linggo (Lunes sa Manila) nang magsagawa ng basketball clinic si NBA great Shaquille O’Neal.

Pinangunahan ng 2016 Hall of Fame inductee at four-time NBA champion ang pagbibigay ng kaalaman sa kabataang Cubano para sa kauna-unahang programa ng NBA sa Cuba mula nang buksan muli ng US ang pakikipag-ugnayan sa dating rebeldeng bansa.

“Baseball, soccer, basketball — it’s about sports, you know,” pahayag ni O’Neal. “We share a lot of things in common.

We just want to come over here and extend our friendly hand and just start smoothing things out.”

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

“It was great for (Obama) to reopen the door, regain a better relationship with this beautiful island,” aniya.

Lubos ang kasiyahan ng kabataan sa bihirang kaganapan sa kanilang bansa, higit at makita nang personal ang idolong si O’Neal.