AWANG-AWA kami sa mga katotong nagkober ng isang event na gayong napakalayo ng venue ay hindi man lamang sila inalok ng pagkain ng nag-imbita.

 

Actually, Bossing DMB, hindi raw ito ang unang pangyayari ayon sa mga katoto.

“Dumadaan kasi sa opisina ang imbitasyon kaya hindi kami makahindi kapag pinakoberan sa amin,” kuwento ng muli na namang nabiktimang mga katoto.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

“Nu’ng una, siyempre excited kami, kasi sikat ‘yung nagpaimbita (pamilya ng artista) ‘tapos sosyal ang event at ang daming food, siyempre gutom kaming lahat kasi ang layo ng venue, ‘tapos hindi kami pinakain, hindi kami niyaya at walang giveaways man lang, samantalang ang dami-daming nakatambak sa lagayan. Hindi naman kami naghihintay ng anuman, ‘yung pakainin ka man lang sana, di ba? For humanitarian reason man lang, wala talaga.

 

“’Tapos heto nga, nagpadala na naman ng imbitasyon sa opisina kaya no choice kami. Pero mautak na ako, kumain muna ako bago ako pumunta sa napakalayong venue dahil alam kong trapik pa. Sakto, hindi nga nagpakain, pero ‘yung ibang kasama natin, tom-guts na, ha-ha-ha, at nabasa pa ng ulan dahil nag-commute lang,” detalyadong kuwento sa amin.

 

Oo nga naman, for humanitarian reason, sana inalok man lang kumain ang mga katoto ng nag-imbita ng coverage sa event. Pero iba raw ang paniniwala ng pamilya, trabaho ng media na ikober ang kanilang events kaya hindi na nila problema kung kumain o hindi ang mga ito.

 

Kaya sa mga katoto, sa susunod na imbitasyon nila, e, puwedeng dedmahin o magpakabusog na lang muna bago pumunta sa venue, hane? (REGGEE BONOAN)