Humina ang piso sa 47-level laban sa dolyar noong Lunes dahil sa Brexit, ngunit ayon sa isang economist ay hindi ito inaasahang magtatagal.

“At the moment this appears to be a knee-jerk reaction still on Brexit,” sabi ni Jonathan Ravelas, chief strategist ng Sy-led Banco de Oro Unibank Inc. (BDO).

Binuksan ng local currency ang linggo sa 47.05, mas mababa ng P0.45 sa 46.60 na simula nito noong nakaraang Biyernes.

Umabot sa USD290 million ang kalakalan, mas mababa kaysa USD335.5 million sa parehong sesyon noong Biyernes. (PNA)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji