Dumarami sa hanay ng mga estudyante ang nagiging interesado sa shuttle service program ng Ateneo de Manila University (ADMU), na nakatutulong upang maibsan ang trapiko sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Simula ngayong Martes, susunduin na ang mga high school student, teacher at empleyado ng ADMU ng mga bus sa tatlong transport hub sa Temple Drive, University of the Philippines (UP)-Ayala Technohub sa Commonwealth, at SM Marikina basement area.

Sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos na dumarami ang mga estudyante na nais nang makibahagi sa kahalintulad na programa sa kani-kanilang paaralan.

Sa pamamagitan ng mga shuttle bus, aabot sa 400 sasakyan ang nabawas sa Katipunan Avenue at nakatulong sa pagsasaayos ng trapiko sa lugar.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Walong bus na kayang magsakay ng 50 pasahero kada unit ang naghahatid sa mga estudyante, guro at empleyado sa ADMU campus.

Una nang inasahan ni Carmela Oracion, principal ng junior at high school, na mababawasan ang sasakyan sa campus dahil sa shuttle program.

Aniya, mahigit 5,000 sasakyan ang dumaraan sa kanilang campus kada araw, na nagiging dahilan ng pagkakabuhul-buhol ng trapiko sa lugar. (Anna Liza Villas-Alavaren)