Umapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na makipagtulungan upang mapanatiling gumagana ang mga pumping station, na pipigil sa baha, sa pamamagitan ng hindi pagtatambak ng basura sa mga ito.

Bagamat gumagana nang maayos ang lahat ng pumping station ng ahensiya, sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos na maaaring pumalya ang mga pasilidad na ito kapag nabarahan ng basura.

“When clogged with sorts of trash, our pumping stations have to stop functioning until garbage is removed,” sabi ni Carlos, binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng publiko.

Kamakailan, binuksan na ng MMDA ang dalawang kinumpuning floodwater pumping station sa Taguig City upang masolusyunan ang pagbabaha sa siyudad.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang mga nasabing pasilidad ay matatagpuan sa Circumferential Road 6 (C-6) sa Barangay Hagonoy at sa Bgy. Wawa, na parehong bahain.

“Following the upgrade, we are able to increase the capacity of these stations for almost 100 percent in preparation for the effects of La Nina by October,” ani Carlos. (Anna Liza Villas-Alavaren)