Nagpahayag si President-elect Rodrigo Duterte na puspusan niyang ikakampanya ang artificial birth control sa bansa kahit na makakalaban pa niya ang Simbahang Katoliko, na mahigpit na tumututol sa paggamit ng contraceptives.

Sinabi ni Duterte kahapon na ang pagkakaroon ng maraming anak ang nagtutulak sa maraming pamilya sa kahirapan, at muli niyang binigyang diin ang kanyang rekomendasyon sa mga Pilipino na magkaroon lamang ng tatlong anak.

Pabirong nagbanta si Duterte na puputulin niya ang ari ng mga magpapasaway na kalalakihan at binanggit ang kanyang family planning program bilang matagal na mayor ng Davao City, kung saan nag-alok siya ng cash rewards sa mga mamamayan na boluntaryong sumasailalim sa libreng vasectomy o ligation.

Maraming politiko sa bansa ang umiiwas na makabangga ang makapangyarihang Simbahang Katoliko sa Pilipinas sa pamamagitan ng paiwas o hindi gaanong agresibong pagsusulong sa paggamit ng contraceptives. (The Associated Press)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists